简体中文
繁體中文
English
Pусский
日本語
ภาษาไทย
Tiếng Việt
Bahasa Indonesia
Español
हिन्दी
Filippiiniläinen
Français
Deutsch
Português
Türkçe
한국어
العربية
Patuloy ang Paglakas ng Dupoin sa MENA Region Matapos ang Matagumpay na Paglahok sa Egypt 2025
abstrak:Ang aming presensya sa Smart Vision Summit Egypt 2025 ay isa na namang mahalagang hakbang sa pangmatagalang pagpapalawak ng Dupoin sa Middle East at North Africa (MENA). Idinaos noong Nobyembre 22–23

Ang aming presensya sa Smart Vision Summit Egypt 2025 ay isa na namang mahalagang hakbang sa pangmatagalang pagpapalawak ng Dupoin sa Middle East at North Africa (MENA). Idinaos noong Nobyembre 22–23 sa The Nile Ritz-Carlton sa Cairo, tinipon ng summit na ito ang mga broker, fintech companies, at libu-libong traders, dahilan upang maging isa ito sa pinaka-abalang financial gatherings sa rehiyon ngayong taon. Para sa amin, ang event na ito ay higit pa sa isang eksibisyon; ito ay pagkakataon upang direktang makaugnayan ang mga trader, maunawaan ang kanilang mga pangangailangan, at pagtibayin ang aming pangmatagalang dedikasyon sa rehiyong MENA.
Direktang Pakikipag-ugnayan sa mga Trader
Sa loob ng dalawang araw, dinalagsa ng mga tao ang aming booth. Marami sa mga dumalo ang nagnanais na matuto pa tungkol sa mga feature ng aming platform at, higit sa lahat, tungkol sa aming operational office sa Egypt.
Ibinahagi ni Mr. Mahmoud, na namumuno sa aming tanggapan sa Egypt, kung paano nakakatulong ang pagkakaroon ng pisikal na presensya sa bansa upang mas mabilis at mas tumpak na masuportahan ang mga trader. Ang lokal na kaalaman, mga impormasyong swak sa merkado, at mas madaling komunikasyon ay pawang nakakatulong sa pagbibigay ng mas mahusay na serbisyo para sa mga Egyptian trader. Para sa amin, ang Egypt office ay naging mahalagang bahagi ng aming regional strategy upang manatiling malapit sa merkado at makapaghatid ng suportang sumasalamin sa tunay na pangangailangan ng mga trader sa MENA.

Mga Masasayang Aktibidad at Interaksyon
Upang maging mas masaya ang karanasan ng mga bumibisita, naghanda kami ng ibat ibang aktibidad. Kabilang dito ang pamimigay ng mga exclusive merchandise, registration-only deposit bonus, at ang paborito ng lahat—ang iPhone 17 Pro lucky draw, na nagpanatiling buhay sa aming booth mula simula hanggang wakas. Marami sa mga bisita ang nagbahagi na aktibo silang naghahanap ng mga platform na nag-aalok ng maaasahang teknolohiya at matibay na suporta sa kliyente—ang dalawang aspeto na patuloy naming binibigyang-priyoridad sa aming pagpapalawak sa rehiyon.
Market Insight Session Kasama ang Egypt Country Manager
Isa sa mga pinakatampok na bahagi ng summit ay ang live session ni Mr. Mohamed Magdy, ang aming Country Manager para sa Egypt. Nakatuon ang talakayan sa kung paano gumagalaw ang mga merkado ngayon at kung bakit mahalaga para sa mga trader na maunawaan ang sabay na epekto ng mga pandaigdigang kaganapan at ang galaw ng mga chart. Sa halip na malalim na teknikal na paliwanag, binigyang-diin ng session ang kahalagahan ng pagiging maalam, pagbabasa sa kondisyon ng merkado nang real-time, at pag-aangkop ng mga stratehiya nang may mas malawak na kamalayan.

Pagkilala para sa Tiwala at Kaligtasan (Trust & Safety)
Sa ginanap na summit, ikinarangal ng Dupoin na tanggapin ang Innovation to Trust & Safety Award. Isang makabuluhang pagkilala ito sa aming patuloy na pagsisikap na palakasin ang seguridad ng aming platform, transparency, at proteksyon sa aming mga kliyente. Ang parangal na ito ay sumasalamin sa aming pangunahing paniniwala: ang tiwala at kaligtasan ay dapat manatiling sentro ng bawat karanasan sa trading, lalo na sa isang mabilis lumagong rehiyon gaya ng MENA.
Pagtanaw sa Hinaharap: Aming Patuloy na Dedikasyon sa MENA
Ang aktibong pakikilahok ng mga tao sa summit, ang aming mga pakikipag-usap sa mga trader, at ang suporta mula sa aming Egypt office ay pawang nagpatibay sa aming pangmatagalang stratehiya sa rehiyon. Habang patuloy kaming lumalawak sa Egypt at sa mga kalapit na merkado, nananatiling malinaw ang aming pokus:
Maghatid ng maaasahan at matatag na teknolohiya.
Palakasin ang kaligtasan at transparency.
Magbigay ng suporta na tugma sa paraan ng trading sa rehiyon.
Bumuo ng pangmatagalang relasyon sa mga trader sa buong MENA.
Simple lang ang aming layunin: ang lumikha ng isang platform na mapagkakatiwalaan ng mga trader, anuman ang kondisyon ng merkado.
Disclaimer:
Ang mga pananaw sa artikulong ito ay kumakatawan lamang sa mga personal na pananaw ng may-akda at hindi bumubuo ng payo sa pamumuhunan para sa platform na ito. Ang platform na ito ay hindi ginagarantiyahan ang kawastuhan, pagkakumpleto at pagiging maagap na impormasyon ng artikulo, o mananagot din para sa anumang pagkawala na sanhi ng paggamit o pag-asa ng impormasyon ng artikulo.
